Paano nga ba natin makakamtan ang mundong kungsaan tayo ay may higit na pagkakasundo-sundo?

"Tila si McDonald na lamang ang tanging masasandalan ng lolong ito" aking nasambit sa sarili nang una kong matunghayan ang postkard na ito. Sa panahon ngayon, madalang na natin na makita ang mga dating nakagawian ng mga Tsino na pag-aalaga sa mga tumatandang magulang. Dati-rati, nakaugalian na tustusan ang pangangailangang pisikal ng mga nakakatanda at bigyan ng pag-aarugang mula sa puso. Hindi ko mapigilang isipan paano nga ba natin magagawa na makamit ang mundo kungsaan tayo ay may higit na pagkakasundo-sundo?